Feeds:
Posts
Comments

Sorry mam

Gusto ko pong mag-sorry kay Mam Aquino ngayong araw dahil hindi ako nakapunta sa meeting namin para sa NSTP. Nahihiya po ako sa kanya ngayon at parang ayaw ko ng magpakita.

Continue Reading »

Lumabas na po ang trailer ng isa sa mga inaabangang movie ngayong taon, ang Harry Potter and the Half-Blood Prince.

Click this..

or

Continue Reading »

Sa Math Room

Halatang magkasunod ang tema ng aking dalawang post ngayong araw(07/29) at parehas rin na kahapon pa naganap ang mga ito.

Pagkapasok ko ng aming Math Room kahapon ay agad bumulaga ang isang mensahe na nakasulat sa pisara. Ito ay para sa mga sawi sa pag-ibig at bigla naman akong natamaan rito. Natamaan ako at walang pag-aalinlangan ko itong binasa, at nang matapos ko ito ay wala akong maramdaman na tila ay isa akong bato na nakatayo doon. Hindi ko malaman kung bakit ganun ang aking nararamdaman nang bigla akong natawa at naging parang tanga na tumatawa mag-isa.

Continue Reading »

Sa Gym

Pagkatapos ng exam ko kahapon sa Psychology ay pinili ko munang mapag-isa. Pumunta ako sa aming school gym upang makapag-isip, makapagmuni-muni, at matakasan na rin ang aking mga kaklase. May vacant akong isang oras noon at English ang aking susunod na klase. Umupo ako sa pangalawa sa pinakamataas na upuan doon. Tumambay ako at nanood ng mga taong naglalakad, nagkaklase, at mga tambay rin na aking mga kasama.

Continue Reading »

Sa mga buwang lumipas, naguluhan ang aking isipan sa mga nangyayari sa aking kapaligiran, lalo na sa aking buhay pag-ibig(charus!). Ilang araw ring nagpabalik-balik na tumatakbo sa aking isipan ang mga bagay na nakakapagpaselos sa akin, ilang buwan ng matinding pag-iisip kung ano ang gagawin at dapat gawin.

Sa wakas, natapos na ang aking isa’t-kalahating kalbaryo sa aking buhay pag-ibig, natapos na ang walang kwentang kelasyon na nangyari; ang mga tawanan, tampuhan, at iba pang mga masasayang sandali, na isa lamang pagpapanggap at pagtatago ng tunay na damdamin.

Continue Reading »

Tadhana

Inakala kong tapos na ang aking naging masalimoot na mga araw ng ako ay nasa secondarya pa lamang, inakala kong lahat ng iyon ay hindi na mangyayari, ang mga pagpapasakit ng aking mga kaklase, at kung anu-ano pang mga bagay na nakakapagpagalit sa aking nag-aalab na damdamin.

Continue Reading »

Mahigit sa dalawang din nating hindi nasilayan si haring araw dito sa Pangasinan, ito ay sa kadahilanang namalasa ang hanging habagat na dala ng bagyong “Helen” na nag-ugat sa dalawang araw na walang tigil sa pag-ulan. Kanina, muli natin siyang nasilayan ngunit sa kaunting panahon lamang.

Continue Reading »

Salamat poo..

Salamat po sa mga nag-vote sa akin bilang President ng Manaoag Chapter(meron pang ibang bayan kaya lang, manaoag ang majority) ng National Service Training Program ng University of Pangasinan. Salamat po.

Gusto ko lamang iparating sa mga atat umuwi sa aming eleksyon kanina at mga taong puro na lang chismis ang alam gawin na malas niyo dahil ako ang naging presidente ng chapter natin. bhelat!

I had been an avid fan of these kengkoy boys on Youtube and i find them really entertaining. here’s an another video from them.

Natapos na rin sa wakas ang aking maikling pagpapakilala sa subject na Filipino, hindi kasi ako natawag last week para makapagpakilala at ngayon lang namin itinuloy. at gaya nga ng aking sinabi, ipopost ko rito ang aking mga sinabi.

binuo namin ang konsepto ng aking pagpapakilala sa isang matayutay na paraan. nakipag-meeting ako sa mga dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng lathalain upang mabuo ang aking konsepto. nakipag-brainstorming ako sa mga dalubhasa ng iba’t-ibang paaralan sa buong pilipinas tulad ng UP, Ateneo, La Salle at UST.

Continue Reading »

« Newer Posts - Older Posts »