Hindi ko lubos maisip sa aking buhay na ako ay magkakaroon ng isang pamilya sa mundo ng internet. Hindi yung tipong may anak ka at asawa, kundi yung tipong may nagmamahal,nag-aalaga, umaasikaso, at tumutulong sa iyo lalo na sa tuwing ikaw ay may problema – ito ang pamilya ng Symbianize.com.
Dumating ako sa website na ito sa paghahanap ng mga games, applications, at themes para sa aking bagong Nokia 6300. Puro download lamang ako ng mga panahong iyon, hindi ko inaasahan na hindi lamang pala ito ang aking mahahanap, natuto rin akong makihalubilo sa mga miyembro nito, nakahanap pa ako ng mga bagong kaibigan at mga itinuturing kong mga kapatid, sina ate JenG na una kong nakilala, balahuba, na kapwa ko S40 user, si juliankreuz na gumawa ng paraan para mapagana sa S40 ang Unlimited Browsing Technique, at sino paba ang hindi nakakakilala kay master aED na nagbigay daan sa mobile application cracking at marami pang iba. Lahat sila ay aking nakasalamuha.
Nabuksan ng forum na ito ang mga itinatago kong kakayahan, nahikayat nila akong gumawa ng sarili kong themes, at napaghusayan ko ito sa pagdaan ng mga araw. Marami akong nakuha at natutunan sa ilang buwang pakikihalubilo ko sa kanila, ilan sa mga yan ang matinding pagkaaibigan kahit hindi kami nagkikita, naramdaman kong kabilang talaga ako sa pamilyang ito.
Hindi lamang mga games at applications para sa mobile phone tulad ng nokia, sony ericcson, samsung, motorola, uiq phones, pocket pc at iphone ang mahahanap rito. Meron ding para sa computer, games ng psp, mp3’s for ipod, wallpapers, videos, at e-books. Dito ko nga nakuha ang Harry Potter book 7 eh.
Kaya kung Pilipino o Pinoy ka, sali kana rito!


