Matagal na rin akong walang balita sa UAAP. Finals na pala at ang maglalaro ay ang magkaribal na koponan ng Ateneo at La Salle. Una akong nahilig manood ng UAAP noong ako ay 3rd year high school pa lamang. Lalo pa akong nahilig nung makuha akong sports writer ng pahayagan sa aming school.
Sariwang-sariwa ko pa noon ang mga alaala ng pagsusulat. Naalala ko ang mga oras na gumagawa ako ng articles tungkol sa UAAP. Nahihirapan ako noon sa paggawa ng lead dahil sa unang sabak ko noon sa mundo ng journalism.
UE at La Salle ang finals noong nakaraang taon, matindi ang laban dahil pareho silang karapat-dapat sa finals, nanalo ang La Salle. Muling nagkita ang magkaribal na school ngayong taon, muling bumalik sa finals ang Ateneo at defending champion – ang La Salle.
Sa dyaryo ko lang nabasa na finals na pala. Nanood ako kahapon ng finals kung saan nanalo ang Ateneo. Bumalik sa isip ko yung mga araw na sinusubaybayan ko ang finals nito. Ang galing ng center ng Ateneo na siyang naging dahilan ng pagkapanalo.
Aabangan ko ang Game 2. Manood din kayo hah.

