Ilang linggo na ang nakalipas ng natapos ang 2008 Beijing Olympics pero ngayon lang ako mageentry para rito.
Kilala niyo siguro si Michael Phelps na naging Greatest Olympiad dahil sa pagkamit ng 8 gintong medalya sa Olympics. Teka nga, kung mambabasa ko kayo at hindi niyo alam ang ibig sabihin ng Olympics, idiot ka, magsearch ka sa google at mabasa ka! Yun yung maraming bilog na parang mga barya! lols.
Ang galing nitong si Phelps. Napakagaling nia. Biro mo walong ginto! Tumataginting na walong ginto! Pwede mo na yung ipakilo at ibenta sa junkshop.
Pero seryoso, idol ko itong si Phelps. Kung mababasa mo ito Phelps at maintindihan mo ang mga sinasabi ko, huwag kang mainis, ganito lang ako magmahal. Sana makilala kita at maturuan mo akong lumangoy ng backstroke, breaststroke, at butterfly dahil langoy aso lang ang alam ko sa ilog lang ako nakakalangoy.

