Kaarawan kahapon ng aking matalik na kaibigan nung high school na si ate bevs kaya naman ay pumunta ako sa bahay nila para kamustahin siya at batiin. Kadarating ko lang sa aming bahay mula sa isang meeting, nang bigla siyang nagtext para pumunta. Buti na lang ay andun ang kumag na kaklase din namin kaya may kasama akong lalake.
Nung umaga pa lang ay sinabihan na nila ako na pumunta. Binabalak ko ng pumunta pagkatapos ng NSTP kasama ang aking mga kaklase subalit, datapwa’t, ngunit ay nagkaroon ako ng meeting. Gusto kong hintayin nila ako para sabay-sabay na kaming pumunta pero paksyet sila dahil hindi na nila ako hinintay, umuwi na sila.
Pagkatapos ng meeting ay dali-dali na akong umuwi, hindi pa ako na nanghalian sa mga oras na iyon kaya gutom na gutom na ako. Inakala kong hindi na ako makakapunta sa b-day dahil hindi sila nagtext. Ngunit pagkarating ko ng bahay ay natanggap ko ang text kaya pumunta na ako agad. Hindi na nga ako nakapagpalit pa ng damit, itinapon ko na rin ang aking dalang bag sa kama at umalis.
Habang alp ay nasa daan, bumuhos ang ulan at nastranded pa ako. Pinapawisan ako sa mga oras na iyon dahil binilisan kong maglakad at kinakabahan pa ako ng hindi makapunta. Pumunta ako sa simbahan at doon ay hinintay ko na ang susundo sa akin. Dumating siya, ngunit paksyet na walang payong. lols! Tumakbo kami papunta sa bahay nila dahil malapit lang naman. Buti na nga lang ay dumating ang kapatid ni bespren na may dalang payong kaya nakarating kami ng hindi basa.
Nagkaroon muna kami ng kamustahan at kwentuhan sa loob. Andun ang 4 pang kaklase kaya naging masaya. Asaran kami, barahan at chismisan. Pagkatapos nun ay kumain na kami. Kinantahan pa namin ang may b-day para naman mas masaya. Matapos pa ang ilang kwentuhan ay nagpsya na kaming umuwi.
Pinasalamatan namin ang kanyang mga magulang at umalis. May pupuntahan pa pala silang b-day dahil kaarawan din ng isa naming kaklase nung hayskul. ako naman ay hindi na sumunod dahil may pinuntahan pa akong mahalagang appointment.
Para kina ate bevs at kay jeanneth.. HAPPY KAARAWAN sa inyo!

