Pitong buwan na rin mula nang isinilang ang aking munting blog. Ewan ko kung sino ang sumusubaybay sa blog na ito dahil hindi naman lumalabas ang pangalan ng mga bumibisita. Hindi ko rin alam dahil yung mga pumunta rito ay hindi mahilig magcomment.
Mula ng inilunsad ko ang blog na ito, wala sa isip ko kung ano ang magiging laman nito o ang mga magiging entry ko. Hindi ko nga alam kung saan patutungo ang blog na ito dahil wala akong alam sa pagsusulat ng mga magagandang entry.
Sa tagal ng aking blog, halos walang bumibisita sa aking blog. Almost 5-20 pageviews lang ang aking natatanggap at nakakababa ito ng kumpiyansa sa sarili. Totoong hindi maganda ang laman ng blog ko. Tagalog ang mga post ko at puro pinoy lang ang nakakaintindi. Dahil dito, pinalitan ko ang description ng blog ko at isinabay ko sa nararamdaman ng blog ko ngayon…
Sa kabilang dako, nais kong magpasalamat sa mga taong bumisita sa aking blog. Maraming salamat sa inyo.



kita nyo. wala pa ring comment. *sigh*
yan meron na.. marami mga aspiring na writer gaya mo.. gaya ko… hindi mo naman kailangan sumikat eh.. un lang good luck
hehehe. keep it up na lang.
gnda nman ng blog mu e..
“write to express not to impress”
=)) galing galing
astig nga ng blog mu eh.. gusto ko na nga ring gumawa ng blog eh.. 2lad ng sayo… kung anu lng ang maisipang isulat. d nmn kinakainglangan pang ng mgandang entry eh… isa n ako s mhiwaga mong viewer. check ko to minsan minsan kung me bago…
PS?
ipagpatuloy mo lang ang iyong magandang adhikain..
nawa’y marami ka pang tao na mahikayat na magsulat tulad ng iyong abang lingkod.
tama ba balarila ko? wahahaha
gayang gaya ko na ba ang istilo mo??
:=)
wag isuko ang BATAAN!
batang ORANI, BATAAN – OLD PORT(PANTALAN LUMA)
galing mo Papa Berns…ako ngayon lang nagsisimula sa pagblog…pero yun din ang pinagpilian ko…english ba o tagalog..pero napili ko tagalog muna…gusto ko maabot yung mga frens ko na sana mag blog din sila…sa akin naman yung blog ko…ay parang journal lang muna…den siguro para din may purpose at may mapulot din ang iba…in my own little way. sulat lang tayo!