Masarap mag-exercise sa harap ng maraming tao sa aking school, kung hindi ka ba naman titingalain at tititigan ng matagal ay hindi ka in. Halos lahat ng freshmen sa amin ay nakaranas na nito. Suot ang aming magandang damit na kulay puti ang tshirt at kulay green naman ang jogging pants at kasama pa ang teacher na todo hataw sa pagsayaw na parang matagal bago matigok, ay talagang gaganahan ka sa pagsasayaw o pag-eexercise.
Kahapon, habang kami ay nasa stage ng Gym at nagpapraktis para sa aming practicum bukas ay nabaling ang aking paningin sa limang taong nagkukumpulan na nakaupo sa hagdan ng stage. Hindi naman sila artista, o mahalagang tao na aking kilala, pero ewan ko ba kung bakit ganun nalang ang aking instinct sa kanila.
Nasa kabilang ibayo ako ng Gym noong mga oras na iyon. Binalak kong lumapit sa kanila dahil alam ko na may ginagawa silang iba. Lumapit ako, dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanilang lugar, lumingon ako sa aking paligid upang malaman kung nahahalata ako ng aking mga kasama. Maingat akong pumwesto sa kanilang likod at kinuhanan sila ng picture para sa remembrance.
Sinilip ko sila mula sa likod, at nalaman kong dalawang lalake at isang babae pala ang grupong iyon na ang isang lalake ay may hawak na selpon at ang dalawang kasama niya ay masayang pinapanood ang kanyang ginagawa. Nagtataka ako kung bakit titig na titig ang babae sa kanilang pinapanood. Maganda ang babaeng iyon at balingkinitan ang katawan.
Pumwesto ako sa gilid nila, nakita ko na ang isang katabi rin nilang grupo na naglalaro ng TextTwist sa kanyang selpon. Muli ko silang kinuhanan ng picture.
Pagkatapos ay naglakas loob na akong sumilip ng malapitan sa kanila, at dahil doon, nalaman ko na ang kanilang ginagawa.. nanonood ng SEX VIDEO. lolz!



