Halatang magkasunod ang tema ng aking dalawang post ngayong araw(07/29) at parehas rin na kahapon pa naganap ang mga ito.
Pagkapasok ko ng aming Math Room kahapon ay agad bumulaga ang isang mensahe na nakasulat sa pisara. Ito ay para sa mga sawi sa pag-ibig at bigla naman akong natamaan rito. Natamaan ako at walang pag-aalinlangan ko itong binasa, at nang matapos ko ito ay wala akong maramdaman na tila ay isa akong bato na nakatayo doon. Hindi ko malaman kung bakit ganun ang aking nararamdaman nang bigla akong natawa at naging parang tanga na tumatawa mag-isa.
Naasar ako sa mga sulat na yun dahil ang mga ito ay walang kwenta. Sa susunod ay magiging mapili na ako sa aking mga babasahin at baka maging tanga nanaman ako sa kakatawa dahil walang kwenta ang mga ito.


