Mahigit sa dalawang din nating hindi nasilayan si haring araw dito sa Pangasinan, ito ay sa kadahilanang namalasa ang hanging habagat na dala ng bagyong “Helen” na nag-ugat sa dalawang araw na walang tigil sa pag-ulan. Kanina, muli natin siyang nasilayan ngunit sa kaunting panahon lamang.
Sa muling paglabas ni araw, nagkaroon kami ng kaunting chika-chika at pag-kukwentuhan. Tinanong ko kung bakit ang tagal niyang nawala at hindi siya nagpakita. Eto ang aming naging pag-uusap.
Ako: Araw, bakit ang tagal mong nawala?
Araw: Tinawag kasi ako ng Helen eh.
Ako: Bakit daw?
Araw: Mamamalengke kasi siya saglit at bantayan ko daw muna ang kanyang anak na may LBM.
Ako: Ang tagal naman niyang namalengke. Ilang araw ba ang sakit ng anak niya?
Araw: Namalengke siya kasi fiest daw nila sa first week ng August. Dalawang araw ang LBM ng anak niya. Nahawaan nga ako eh. Dalawang araw kami dun sa loob ng CR.
Ako: Ganun? Grabe naman yan. Nakabalik na ba siya sa anak niya?
Araw: Oo, pero hindi pa magaling ang anak niya. Puting-puti na nga yung anak niya dahil hindi pa gumagaling yung LBM niya.
Ako: Kawawa naman siya.
Araw: Oo nga eh. nga pala, invited pala ako sa fiesta nila. kaya lang magdala daw ako ng sarili kong pagkain kung pupunta ako. may rice crisis din kasi sila eh.
Ako: ganun?
Araw: Oo. Sige, alis ulit ako, nararamdaman kong may lalabas ulit eh. (umalis na siya…)
At yun nga ang naging conversation namin. pagkatapos nun ay nawala ulit siya at umulan ulit. sa muling pagkikita haring araw.


