Natapos na rin sa wakas ang aking maikling pagpapakilala sa subject na Filipino, hindi kasi ako natawag last week para makapagpakilala at ngayon lang namin itinuloy. at gaya nga ng aking sinabi, ipopost ko rito ang aking mga sinabi.
binuo namin ang konsepto ng aking pagpapakilala sa isang matayutay na paraan. nakipag-meeting ako sa mga dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng lathalain upang mabuo ang aking konsepto. nakipag-brainstorming ako sa mga dalubhasa ng iba’t-ibang paaralan sa buong pilipinas tulad ng UP, Ateneo, La Salle at UST.
eto na ang aking maikling pagpapakilala.. tanan..!!!!
Tahimik at seryoso, ngunit sensitibo at maalaga. Ilan lamang iyan sa katangiang taglay ko. Gamit ang aking utak radikal, pakinggan niyo ang aking maikling pagpapakilala ng aking sarili at buhay.
Nasilayan ko ang unang liwanag ng mundo sa bulubunduking Lungsod ng mga Pino sa isang malamig at mahanging umaga ng ika-dalawampu’t walo ng Mayo, taong isang libo siyamnaraan at siyannapu’t dalawa.
Pangalawa ako sa bunga ng pagmamalahan ng isang inhinyero minero at dating guro na aking mga magulang. Lumaki ako sa relihiyosong bayan ng Manaoag.
Nakaranas ako ng kaunting karangyaan at mapalad na nakapagtapos ng elementarya sa isang pribadong paaralan. Ipinagpatuloy ko ang aking pagtuklas sa mundo pagtuntong ko ng secondarya. Nakihalubilo ako sa iba’t-ibang tao at aking napatunayan sa paglipas ng panahon na ang bawat tao ay may iba’t-ibang mukha, may masaya, may malungkot, at may nagtatago sa likod ng maskara.
Tulad ng isang normal na kabataan, minsan na rin akong humanga, at minsan na rin nasaktan at nabigo. at muli akong humanga, at ngayo’y naging masaya.
Nagtapos ako ng secondarya, namumuhi at punong-puno ng hinanakit sa mga taong humusga at pilit akong ibinaba.
At ngayon sa kolehiyo, natayo at nakatindig sa inyong harapan ang taong nagngangalang toot – toot na kumukuha ng kursong A.B. Political Science upang maging magaling at mahusay na toot at ipakita sa mga taong humusga na mali sila at kawalan nila ang tulad ko. at sa inyo, nagpapasalamat ako sa inyong pakikinig.
may gusto pa sana akong idagdag eh, kaya lang nahiya na rin ako at baka sabihin nila na maaangas ako. dito ko na lang itutuloy.
siya nga pala. gusto kong i-special mention ang kanamumuhian ko sa block na ito. gusto kong sabihin sa iyo na simula ng makita kita, simula na nagkatinginan ang ating mga mata, at simula ng makita kitang mag-recite sa bawat klase natin. hindi mo pa napatunayan sa akin na katumbas ng galing mo sa pagchchismis, panlalait at pagsasalita mo ng walang silbi sa labas ng silid-aralang ito ang galing mo sa pananalita sa bawat pagrerecite na ginagawa mo. hinahamon kita na patunayan na mali ang aking husga sa iyo at kung hindi mo ito nagawa, hindi kita titigilan sa pantitira sa pang-lathalaing paraan. maraming salamat.

