Mahigit isang linggo na ring naglalaro sa aking isipan ang mga bagay-bagay na nakakapagpabagabag sa aking loob, sa kabila ng ilang beses kong paglimot, patuloy itong gumugulo at pilit akong inuulan ng pagkamuhi.
Isang linggo ko na ring iniisip na walang bagay na nagtatagal sa isang tao, kahit anong bagay na sayo ay mawawala rin lamang. Tulad ng 100 na load, kahit hindi mo ito gamitin ay mawawala pa rin at mag-exxpire. Dahil dito, isang kaisipan ang namuo sa aking isipan, ang pagmamahal ba ay tulad rin ng 100 load?
Maraming unos na rin ang aking napagdaanan sa buhay, karamihan dito ay aking nalabanan. Masasabi kong isa ito sa mga mahihirap na problema na aking pinagdadaanan, marahil nanibago ako ng lubos sa bagong buhan na aking tinatahak sa ngayon.
Masakit isipin ngayon na ang nakalipas na mga nangyari ay unti-unti ng nawawala tulad ng isang load. Nararamdaman kong sa ilang araw na lang may mawawala na rin ang pagmamahal na ibinigay niya sa akin, nararamdaman kong sa isang iglap lang ay biglang mawawala ang pag-ibig na pinagsaluhan sa mahigit isang taong pamamalagi niya sa aking puso.
Maraming salamat sa lahat.


hndi!!!!!
wlang mwawala sa pagmamahal q..
im s0rry:(