March 21, 2009 by papaberns
Nais ko lamang sabihin sa lahat ng fans ko na magbabalik na ulit ako sa pagsulat at paggawa ng mga entries dito sa blog ko. Matapos ang ilang buwan kong di pagbisita ay muli nanaman akong magiging aktibo. Maraming salamat sa inyo.
Sincerely,
papaberns
Posted in Blog Enhancement, wala lang... | Leave a Comment »
September 24, 2008 by papaberns
Hindi ko lubos maisip sa aking buhay na ako ay magkakaroon ng isang pamilya sa mundo ng internet. Hindi yung tipong may anak ka at asawa, kundi yung tipong may nagmamahal,nag-aalaga, umaasikaso, at tumutulong sa iyo lalo na sa tuwing ikaw ay may problema – ito ang pamilya ng Symbianize.com.
Continue Reading »
Posted in Internet, Social | Leave a Comment »
September 22, 2008 by papaberns
Matagal na rin akong walang balita sa UAAP. Finals na pala at ang maglalaro ay ang magkaribal na koponan ng Ateneo at La Salle. Una akong nahilig manood ng UAAP noong ako ay 3rd year high school pa lamang. Lalo pa akong nahilig nung makuha akong sports writer ng pahayagan sa aming school.
Sariwang-sariwa ko pa noon ang mga alaala ng pagsusulat. Naalala ko ang mga oras na gumagawa ako ng articles tungkol sa UAAP. Nahihirapan ako noon sa paggawa ng lead dahil sa unang sabak ko noon sa mundo ng journalism.
UE at La Salle ang finals noong nakaraang taon, matindi ang laban dahil pareho silang karapat-dapat sa finals, nanalo ang La Salle. Muling nagkita ang magkaribal na school ngayong taon, muling bumalik sa finals ang Ateneo at defending champion – ang La Salle.
Sa dyaryo ko lang nabasa na finals na pala. Nanood ako kahapon ng finals kung saan nanalo ang Ateneo. Bumalik sa isip ko yung mga araw na sinusubaybayan ko ang finals nito. Ang galing ng center ng Ateneo na siyang naging dahilan ng pagkapanalo.
Aabangan ko ang Game 2. Manood din kayo hah.
Posted in Occassions, Television | Leave a Comment »
September 4, 2008 by papaberns
Ilang linggo na ang nakalipas ng natapos ang 2008 Beijing Olympics pero ngayon lang ako mageentry para rito.
Kilala niyo siguro si Michael Phelps na naging Greatest Olympiad dahil sa pagkamit ng 8 gintong medalya sa Olympics. Teka nga, kung mambabasa ko kayo at hindi niyo alam ang ibig sabihin ng Olympics, idiot ka, magsearch ka sa google at mabasa ka! Yun yung maraming bilog na parang mga barya! lols.
Ang galing nitong si Phelps. Napakagaling nia. Biro mo walong ginto! Tumataginting na walong ginto! Pwede mo na yung ipakilo at ibenta sa junkshop.
Pero seryoso, idol ko itong si Phelps. Kung mababasa mo ito Phelps at maintindihan mo ang mga sinasabi ko, huwag kang mainis, ganito lang ako magmahal. Sana makilala kita at maturuan mo akong lumangoy ng backstroke, breaststroke, at butterfly dahil langoy aso lang ang alam ko sa ilog lang ako nakakalangoy.
Posted in Uncategorized | Leave a Comment »
September 4, 2008 by papaberns
Haay. Kamusta na ang blog ko. Maraming taon na rin ang nakalipas ng huli akong dumayo dito.
Natural, wala pa rin akong mga bisita. Ahy, meron na pala. Kachcheck ko lang ngayon ng blog stats ko at halos 8-20 pageviews ang natanggap ko magmula ng lumayas ako rito.
Maraming salamat sa mga bumibisita rito.
Posted in Everyday | Leave a Comment »
August 11, 2008 by papaberns
naknang neneng. tawang-tawa ako pagka-open ko ng blog ko kanina. biro mo naman, may isang tao sa mundo ng internet na hindi marunong magisip kung ano ang laman ng website na kanyang pinupuntahan. bigla na lang mgsesearch ng walang kinalaman sa blog ko, ginawa niya akong google, yahoo , ask, at kung anu-ano pang chuchuvaness.
Continue Reading »
Posted in Internet, wala lang... | Tagged blog stats, kahoy | 2 Comments »
August 10, 2008 by papaberns
Kaarawan kahapon ng aking matalik na kaibigan nung high school na si ate bevs kaya naman ay pumunta ako sa bahay nila para kamustahin siya at batiin. Kadarating ko lang sa aming bahay mula sa isang meeting, nang bigla siyang nagtext para pumunta. Buti na lang ay andun ang kumag na kaklase din namin kaya may kasama akong lalake.
Continue Reading »
Posted in Uncategorized | Leave a Comment »
August 7, 2008 by papaberns
Pitong buwan na rin mula nang isinilang ang aking munting blog. Ewan ko kung sino ang sumusubaybay sa blog na ito dahil hindi naman lumalabas ang pangalan ng mga bumibisita. Hindi ko rin alam dahil yung mga pumunta rito ay hindi mahilig magcomment.
Mula ng inilunsad ko ang blog na ito, wala sa isip ko kung ano ang magiging laman nito o ang mga magiging entry ko. Hindi ko nga alam kung saan patutungo ang blog na ito dahil wala akong alam sa pagsusulat ng mga magagandang entry.
Continue Reading »
Posted in Blog Enhancement, wala lang... | 5 Comments »
August 6, 2008 by papaberns
Masarap mag-exercise sa harap ng maraming tao sa aking school, kung hindi ka ba naman titingalain at tititigan ng matagal ay hindi ka in. Halos lahat ng freshmen sa amin ay nakaranas na nito. Suot ang aming magandang damit na kulay puti ang tshirt at kulay green naman ang jogging pants at kasama pa ang teacher na todo hataw sa pagsayaw na parang matagal bago matigok, ay talagang gaganahan ka sa pagsasayaw o pag-eexercise.
Continue Reading »
Posted in School | Leave a Comment »
July 30, 2008 by papaberns
Happy birthday po sa mga taong kaarawan nilang araw ngayon. More birthdays to come!
(Alam ko naman na halos araw-araw ay may taong may birthday, pero wala lang.)
Posted in Occassions, Uncategorized | Tagged birthday | Leave a Comment »